Coed pisak sa truck

QUEZON, Philippines — Hindi na aabot sa graduation day ang isang 18-anyos na estudyante sa kolehiyo matapos na masagasaan ng dump truck sa Mahar­lika Highway sa Barangay Mala­banban Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi.

Halos mapisak ang katawan ni Lady Roan Tolpo, 4th year sa Manuel S. En­verga Foundation Candelaria Branch at nakatira sa Barangay Mangilag Sur. Sa ulat ni SPOI Menardo del Mundo, dakong alas-9-30 ng gabi ay nakaangkas ang biktima sa motorsiklo ng kanyang kaibigan nang salpukin ng truck sa likuran.

Tumilapon ang biktima mula sa motorsiklo saka sinagasaan ng truck na minamaneho ni Rolando Magnaye ng Sariaya, Quezon. Tumakas ang drayber ng truck maging ang driver ng motorsiklo.

Show comments