Trader pumalag sa kawatan, utas

MANILA, Philippines - Isang 40-anyos na negosyanteng babae ang kumpirmadong napaslang matapos pagbabarilin ng isa sa miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi. Napuruhan si Ma. Richelle Antod ng Purok 5, Brgy. Lapinigan sa nabanggit na bayan. Sa ulat ni CARAGA PNP spokesman P/Supt. Martin Gamba, lumilitaw na nanonood ng telebisyon ang pamilya Antod nang pasukin ng dalawang armadong lalaki.

Isa sa akyat-bahay ang nagpaputok ng warning shot at inatasan ang mga biktima na magsidapa su­balit pumalag si Richelle kaya napilitang pagbabarilin sa ulo. Mabilis na nagsitakas ang dalawa lulan ng motorsiklo tangay ang hindi pa madeterminang halaga ng mga alahas, at pera.

Show comments