Pulis tinodas, inilibing

MANILA, Philippines - Isang alagad ng batas na napaulat na nawawala ang natagpuang nakalibing sa mababaw na hukay sa isinagawang search operation sa kagubatan ng Barangay Bakong sa bayan ng Simunul, Tawi-Tawi kamakalawa. Kinilala ang pinaslang na si PO2 Ardiner Mahari na positibong kinilala ng kaniyang pamilya. Sa ulat ng pulisya, bandang alas-10 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Mahari na ipabatid sa mga awtoridad ng isang sibilyan tipster kaugnay sa pinatay na biktima saka inilibing sa mababaw na hukay.

Show comments