P.1M kampana ninakaw

QUEZON, Philippines  — Hindi pinatawad ng mga magnanakaw ang kasagraduhan ng simbahan sa Barangay Ibabang Panaon sa bayan ng Unisan nang nakawin ang antigong kampana na nagkakahalaga ng P.1 milyon. Dakong alas-8 na ng umaga nang matuklasan ng caretaker na si Eliza Manalo na nawawala ang kampana ng San Roque Church. Ayon kay PO2 Melvin Sisi, itinaon ng mga magnanakaw ang pagpasok sa simbahan habang malakas ang ulan. Inatasan na ni Mayor Nonito Puache si P/Chief Insp. Job de Mesa na magsagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang mga suspek. 

Show comments