3-anyos dedo sa suha

MANILA, Philippines - Isang 3-anyos na batang lalaki ang iniulat na nasawi habang tatlo pa nitong kapatid ang na-ospital matapos malason sa kinaing suha na napulot sa kasagsagan ng flashflood sa bayan ng Sta. Cruz, Davao del Sur, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang namatay na si Arnold Mondejar, habang inoobserbahan naman sa Southern Phil. Medical Center sina Amira, 9; Artemio Jr. 7, at Armie Jane, 5, na pawang nakatira sa Barangay Astorga. Nabatid pa na kontaminado na ng maruming tubig baha ang kinaing suha ng mag-uutol.

Show comments