Ambulansya vs tricycle: 3 sugatan

Camp Nakar , Lucena City, Philippines  —Tatlo katao ang nasugatan makaraang isa na namang ambulansya ang masangkot sa sakuna sa lansangan nang makabanggaan ang kasalubong na tricycle sa provincial road ng Mauban, Quezon kamakalawa ng gabi. Isinugod sa Mauban District Hospital ang mga biktimang sina Arnido Aquino, 34, driver ng tricycle; mga pinsan nitong sina Rosabel at Lorena Aquino. Ayon  kay Mauban Chief  of  Police, Chief Inspector Arvin de  Asis, bandang alas-11 ng gabi ng mangyari ang insidente habang patungo sa Lucena City ang magpipinsang sina Aquino ng makabanggaan ang ambulansya ng lokal na pamahalaan na may plakang SJS-219 na minamaneho naman ni Efren Alimirez. Arestado  naman  ang  driver  ng ambulansya  na  empleyado  ng  Mauban Municipal  Station  at  nahaharap sa kasong  reckless imprudence  resulting  to  multiple physical  injuries.

Show comments