7 tiklo sa pot session

BATAAN , Philippines – Pito-katao ang dinakma ng pulisya makaraang maaktuhan sa pot session sa loob ng BJ mini-bus na nakaparada malapit sa Mazda terminal sa Roman Boulevard, Barangay Poblacion sa bayan ng Mariveles, Bataan kamakalawa ng hapon. Ayon kay P/Senior Supt. Arnold Gunnacao, kabilang sa mga suspek na kinasuhan ay sina Edwin Angeles, 43, ng Barangay Batangas Dos, Mariveles; Robert Odin, 50, ng Barangay Cabcaben; Alfredo Lintag, 55, ng bayan ng Orion; Irineo Manuel, 32, ng Barangay Poblacion, Mariveles; Donald Gabay, 40, ng Barangay Baseco, Mariveles; Rogelio Manalo, 34, ng Barangay Sta. Rosa Pilar at si Roberto dela Cruz, 31, ng Brgy. Tenejero, Balanga City.

Show comments