Barangay kagawad kinidnap

MANILA, Philippines - Isa na namang kaso ng kidnapping ang naitala kamakalawa matapos dukutin ang isang barangay kagawad sa bahahgi ng Barangay Sabala Amanao, Marawi City, Lanao del Sur. Posibleng may kinalaman sa nakalipas na barangay eleksyon ang pagdukot kay Kagawad Mohaimen Dimang Macaunti ng Barangay Salocod, Saguiran. Natukoy naman ang pagkakakilanlan sa isa sa mga kidnaper na si Langagun Abdullah Acasar, natalong barangay chairman. Si Acasar ay tinalo ni Chairman Talina Dimang, lolo ng biktima. Lumilitaw na patungong bus terminal ang biktima nang harangin at kidnapin.

Show comments