Killer ng trader, arestado

IBA, Zambales, Philippines  — Naaresto ng pulisya ang pangu­na­hing suspek sa pagpatay sa isang negosyante at malubhang pagkasugat sa asawa nito sa bayan ng San Felipe, Zambales noong Linggo. Pormal na kakasuhan ang suspek na si Engelbert Anthony “Diablo” Pastor, 25, ng Barangay Felmida Diaz, Cabangan, Zambales. Ayon kay P/Insp Jude Bryan Maguddayao, si Pastor itinurong bumaril at nakapatay kay Reynaldo Sara, habang ang asawang si Alma ay grabeng nasugatan sa kanilang bahay sa Sitio Tektek, Barangay Sindol. Nabatid na si Pastor din ang itinuturing pangunahing suspek sa pag­patay sa negosyanteng si Primo Cayabyab noong Set­yembre 3. Tugis naman ng pulisya ang dalawa ng kasabwat ni Pastor na sina Roldan Benito at Carlito Qil.

Show comments