2 wanted sa krimen dakma

KAMPO ALEJO SAN­TOS, Bulacan, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang sa krimen ma­karaang maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Bulacan ka­ha­pon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Fernando Villanueva, ang mga suspek na sina Ed­ward Yamsuan, 21, ng Brgy. Tibag, Baliwag at King Melody Dela Cruz 18, ng Area G, Brgy. Citrus 1, San Jose del Monte City, Bu­lacan.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jaime Samonte ng Regional Trial Court Branch 21, si Yamsuan na pangu­nahing suspek sa pagpatay sa hepe ng barangay tanod ng Poblacion sa Bustos na si Elogio Ramos noong Nobyembre 9, 2009 ay naaresto sa Barangay Salangan sa bayan ng San Miguel, Bulacan 

Samantala, si Dela Cruz na responsable sa pag­patay kay Conrado Amis­toso noong Marso 19, 2010 ay nadakip sa Barangay Citrus sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Belen Ringpis Liban ng RTC Branch 85.

Show comments