3 kidnaper ng Tsino nadakma

MANILA, Philippines - Tatlong kalalakihan na sinasabing sangkot sa pagdukot sa negosyanteng Tsino ang naaresto ng pu­lisya sa inilatag na checkpoint sa Simuay Bridge sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguin­ danao kama­kalawa.

Pormal naman kakasu­han ni Police Regional Office12 Director P/Chief Supt. Felicisimo Khu, ang mga suspek na si Faisal Ma­malangkas Salik, Jul­karnain Salik, at si Anwar Isla Rakman.

Bandang alas-11:30 ng umaga nang pahintuin ng Joint Task Force12 at pulis-Cotabato sa pamumuno ni P/Senior Supt. Willie Dangane, ang mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Si Faisal ay kabilang sa pugante noong Pebrero 2007 sa Cotabato Provincial Jail sa Brgy. Amas, Ki­dapawan City kung saan pinatakas matapos salaka­yin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front.

Napag-alamang si Fai­sal ay miyembro ng Saudi Kasan kidnap-for-ransom group ni Mayang­kang Sa­guile na sangkot sa pag­dukot sa ne­gos­yanteng si Nel­son Tan Tay noong Agos­to 16 sa Cotabato City.

Pinalaya ang trader pagkalipas ng 3-araw sa hangganan ng Sultan Kudarat, Maguindanao at Pigcauayan, North Cota­bato matapos na magba­yad ng ransom ang pa­milya nito.

Show comments