3 magsasaka tusta sa kidlat

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Kamata­yan ang sumalubong sa tatlong magsasaka habang tatlong iba pa ang malub­hang nasugatan maka­raang tamaan ng matalim na kidlat sa bisinidad ng Ba­rangay Tinampo sa Li­gao City, Albay kamaka­lawa ng hapon.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Reynaldo Frias, Miguel Olazo at Jogi Pobar habang nasa kritikal na kalagayan sa Josefina Du­ran Memorial Hospital sina Rogelio Prades, 32; Anthony Realingo Borro­meo, 19; at si Joel Borro­meo, 34.

Nabatid sa ulat na si Borromeo ay inilipat naman sa Bicol Regional Training Hospital.

Base sa police report, nag­sasaka ang mga bikti­ma nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya pansamantalang sumilong sa kubo.

Gayon pa man, sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumagundong kasabay na kumulog at kislap ng matalim na kidlat ang bu­mulaga sa kinaroroonan ng mga biktima. Ed Ca­sulla at Joy Cantos

Show comments