ABUCAY, Bataan, Philippines — Isang opisyal ng New Peoples Army (NPA) ang naaresto ng mga awtori dad kamakalawa sa bayang ito.
Ang naarestong opisyal ng NPA ay nakilalang si Jhonny Caragay alyas Joker, 36 at squad leader ng CPP-NPA sa Pampanga at nakatira sa bayang ito.
May isang taon bago muling sumulpot sa kanilang bahay ang suspek kaya ng mamataan ito ng asset ng pulisya ay kaagad nagsagawa ng operasyon ang pulisya kamakalawa ng hapon hanggang sa maaresto ito.
May warrant of arrest ang suspek na ipinalabas ng Balanga City Regional Trial Court sa kasong frustrated homicide noong 2007.
Ito ang itinuturong nasa likod ng panununog sa Bataan Transit bus noong November 2005 sa bayang ito.