2 katao dedo sa pamamaril

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Dalawa-katao ang iniulat na napas­lang matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Digos City, Davao del Sur noong Biyernes. Kinilala ni P/Chief Insp. Anthony Padua, hepe ng Digos City PNP, ang mga napaslang na sina Lito Celeste ng Barangay Cogon; at Al Edrada Gofredo, 36, ng Perfect Homes, Barangay Tres de Mayo ng Digos City. Mag­kaangkas sa motorsiklo sina Lito at Al patungong Digos Ap­laya nang tambangan. Nabatid na si Celeste ay informant ng PNP, samantalang si Gofredo ay manager ng lumber store sa Digos City.

Show comments