Tinedyer inutas sa sakal

NUEVA ECIJA, Philippines — Pinaniniwalaang pinatay sa sakal at saksak sa batok ang natagpuang bangkay ng isang 4TH year high school student sa bahagi ng Brgy. San Gregorio sa bayan ng Rizal, Nueva Ecija noong Linggo ng gabi. Natagpuan ang bangkay ni Noel Sinuto, 15, ng Brgy. San Gregorio na walang saplot kung saan pi­nukpok pa ang mukha nito upang masiguro na patay na.Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Marlon Bal­­deras ng Dagupan City, Pangasinan. Lumilitaw sa im­bestigasyon ng pulisya na umakyat ng bundok ang biktima upang hanapin at iuwi ang pinapastulan nitong tupa nang hindi na nakauwi hanggang sa matagpuan ang bangkay nito. Itinuturong suspek si Balderas ma­ tapos nagselos nang malamang may nililigawang kaklaseng babae ang biktima.

Show comments