ZAMBALES, Philippines — Pormal na pinasinayaan ni Governor-elect Hermogenes Ebdane, Jr. ang kauna-unahan water supply system sa Barangay Batiawan sa bayan ng Subic kung saan mabebenipisyuhan ang may 2,500 residente na ang karamihan ay mga katutubong Aeta. Ang proyekto ay isinakatuparan ng Zambales office ng Department of Public Works and Highways matapos mamagitan si Ebdane na dating Kahilim ng DPWH sa kahilingan ng mga residente ng Batiawan noon pang 2009. Nabatid na ang mga residente ay kinakailangan pang maglakad ng 3-kilometro upang makakuha lamang ng inuming tubig sa sapa simula nang maitatag ang barangay noong 1955. “Pinagsikapan at binigyang pansin natin na mabigyan ang mga residente ng malinis at maiinom na tubig para na rin sa kanilang kalusugan,” pahayag ni Ebdane sa ginanap na simpleng seremonya sa barangay center. Dalawang deep well system pa ang nakatakdang ipatayo upang mabenipisyuhan ng water system ang mga residente, ayon pa kay Ebdane. Nabatid na si Ebdane ay kauna-unahan gobernador ng Zambales na nakarating sa nabanggit na lugar ay pinasalamatan ni Batiwan Barangay Chairman Jose Lawag.