2 katao utas sa kidlat

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang pitong iba pa ang nasugatan matapos tamaan ng kidlat sa magkahiwalay na barangay sa Cagayan Valley at Apayao kamakalawa.

Lumilitaw na nagtatanim ng palay sina Carlo Gawiran at Melvin Manuel sa Barangay Malayugan sa bayan ng Flora sa Apayao nang tamaan ng kidlat kung saan anim din sa kasamahan ng dalawa sa palayan ang nasugatan.

Kasunod nito, sugatan naman si Wilmer Castillo nang tamaan ng kidlat sa Barangay Sadlang, Baggao, Cagayan Valley. Si Castillo ay nagsasara ng bintana ng kanyang bahay dahil sa malakas na pag-ulan nang tamaan ng kidlat.

Show comments