Utol ni Mayor todas sa ambush

IBA, Zambales, Philippines — Pi­nagbabaril at napatay ng mga hindi pa nakikilalang mga armadong salarin ang isang negosyanteng kapa­tid ni Botolan Mayor Ro­gelio Yap kamakalawa ng hapon sa bayang ito.

Sa paunang pagsisi­yasat ng pulisya, nakilala ang biktima na si Vic Yap, isang negosyante, nasa hustong gulang at kapatid ni Botolan Mayor Rogelio Yap.

Ayon sa pulisya, huling nakita si Yap na sakay ng isang kulay puting Mitsu­bishi Pajero na buma­bag­tas sa kahabaan ng national hi-way patungo sa katimugang direksyon ng nasabing bayan.

Sinabi ng mga imbes­tigador, pagdating sa Barangay Palanginan ng Iba, Zambales isang grupo ng mga armadong kalalaki­han na sakay ng kulay abong Everest SUV ang nag-overtake kay Yap saka ito pinagbabaril.

Sumalpok ang sasak­yan ni Yap sa pader sa ka­nang bahagi ng highway at doon ay natagpuan ng mga imbestigador ang walang buhay na biktima na may tatlong tama ng bala sa katawan.

Bagama’t nakatakas ang mga suspek ay malaki ang tiwala ng pulisya na maaaresto agad ang mga ito dahil sa ilang residente ang nakakita na ang sa­sakyan ng mga suspek ay may plakang “8” na ibini­bigay lamang sa mga mi­yembro ng Kongreso.

Nagsasagawa na ng fol­lowup operations ang mga awtoridad sa kasong ito.

Show comments