2 panadero kinatay

RIZAL , Philippines  ­— Nagkagutay-gu­­tay ang katawan ng dalawang panadero maka­raang pagsa­sak­sakin ng mga ‘di-pa kila­lang kalala­kihan sa loob ng panaderya kahapon ng ma­daling-araw sa bayan ng Taytay, Rizal.

Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Isagani Jose, 38; at Jerry Lloyd Labra, 23, kapwa stay-in na panadero sa Tin-Tin Bakeshop sa naturang bayan.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-2 ng madaling-araw nang madiskubre ni Ruel Be­leserio, ang dala­wang bang­kay ng panadero sa loob ng tinutulugang barracks ng pa­naderya na pag-aari ni Cesar Buenas.            

Nabatid na gigisingin sana ni Beleserio ang dalawa upang mag-masa na ng ari­nang gagawing tinapay su­balit laking gulat nito pag­bukas ng ilaw nang makita ang kanyang kasa­mahan na duguan sa kina­hihigaan.

Sinisilip ng mga imbes­tigador ng pulisya na kakilala ng dalawa ang killer dahil wala namang puwersahang pag­pasok sa barracks kung saan natutulog ang dalawa.

Isinasailalim ngayon sa masusing imbesti­ gasyon ang lahat ng na­nu­nuluyan sa bakeshop upang mare­solba ang krimen. Danilo Garcia  

Show comments