Disc jockey ginilitan

BULACAN, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 39-anyos na disc jockey habang nasa kritikal naman kalagayan ang pinsan nito makaraang pagtulungang gulpihin at pag­sasaksakin ng limang kalalakihan sa loob ng videoke bar sa Ba­rangay Poblacion sa bayan ang Baliwag, Bulacan ka­ma­kalawa ng madaling-araw. Kinilala ang napaslang na si Odilan Marcelo habang nakikipaglaban naman kay kamatayan si Romnick Garcia, kapwa stay-in worker sa Relonie KTV Bar. Pormal naman kinasuhan matapos maaresto ang mga sus­pek na sina Wilson Beltran, Wilbert Beltran, Wally Beltran, Angelo Arriola, at si Allan Del Rosario. Boy Cruz

Show comments