Tulay sa Sulu pinasabog

MANILA, Philippines - Nagsimulang maghasik ng kaguluhan ang mga re­beldeng Moro National Liberation Front (MNLF) break­away group makaraang pasabugin ang tulay sa  bayan ng Talipao, Sulu kahapon ng madaling-araw. Tinukoy naman ni P/ Chief Supt. Bensali Jabarani ng PRO-ARMM na ang grupo ng MNLF breakaway group nina Nidzmi Bolkiah Jabbar, Saidin Bolkiah Jabbar at Rading Guiam ang nasa likod ng pagpapasabog ng Sumanang Bridge sa Barangay Lagtoh, base sa im­pormasyon nakalap ng mga residente. Nagresponde na­man sa lugar ang mga elemento ng Talipao Municipal Police Station na nakabarilan pa ng mga pulis-Talipao ang mga rebeldeng bago nakatakas. Joy Cantos

Show comments