2 utas sa drag race

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Dalawa-katao na sina­sabing mula sa ang­kan ng mayayamang pa­milya ang iniulat na nasawi noong Lunes ng madaling-araw makaraang magka­rera at sumalpok ang kani-kanilang kotse sa kongkre­tong tulay sa Tuguegarao City, Ca­gayan.Kinilala ang mga namatay na sina Ma­nuel Eugenio, 21; registered nurse at Ronald Ba­yag, 26, anak ng prosecutor at kapwa residente ng Tugue­garao City. Ayon sa ulat ng pulisya, nagka­karera ang dalawa sa En­rile Boulevard patungo sa highway nang bumangga ang Chevrolet ni Eugenio sa kongkretong tulay kung saan humiwalay ang ma­kina sa lakas ng pagka­kabangga. Kasunod nito, sumalpok din ang Honda Civic ni Bayag sa kong­kretong tulay bago tulu­yang sumadsad sa sasak­yan ni Eugenio. Victor Martin

Show comments