KIDAPAWAN CITY, Philippines — Wala pa ring linaw sa imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pagpapasabog sa 2- steel tower ng National Grid Power Corporation sa General Santos City noong Miyerkules ng gabi. Ayon sa ulat, ilang minuto makaraang pasabugan ang mga steel tower sa Purok-5, Brgy. Ligaya ay naapektuhan ang suplay ng kuryente sa malawak na bahagi ng nabanggit na lungsod at tatlo pang bayan sa lalawigan ng Sarangani, kabilang na ang mga bayan ng Alabel, Malapatan at sa bayan ng Glan. Sa police report, nabatid na bago ang pambobomba, ay dalawang kalalakihan ang namataang umaaligid sa steel tower ng NGCP Bumuo na ng task force ang pulisya para matukoy ang grupong responsable sa pananabotahe. - Malu Manar