Senglot napikon tinodas

PANGASINAN, Philippines —Isang 53-anyos na lango sa alak ang inutas ng kanyang nakaalitan noong Biyernes ng gabi sa bisinidad ng Barangay Diaz sa bayan ng Bautista, Pangasinan. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Marcos Justo samantala, tugis naman ng mga aw­toridad ang suspek na si Ricardo Cobales, 28, kapwa residente ng nabanggit na barangay. Napag-alamang nagalit ang biktimang lango sa alak kaugnay sa pag­bibiro ng suspek kaya tinangkang tagain nito subalit ma­agap naman nasalag. Dito na nakakuha ng ma­habang kahoy ang suspek at pinagpapalo hanggang sa mapatay ang biktima. Cesar Ramirez

Karnaper, rapist arestado

BULACAN, Philippines — Balik-rehas na bakal ang dalawang most wanted matapos maaresto ng pulisya sa isi­nagawang magkasunod na operasyon sa Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga. Unang nasakote ng pulisya ang suspek na si Peter Manso na may kasong carnapping at nasa talaan ng pulisya na ikatlo sa most wanted person at naninirahan sa Purok 1,Brgy. Calizon. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Renato Francisco ng Malolos City Regional Trial Court Branch19, naaresto si Manso sa bisinidad ng nabanggit na barangay. Sa­mantala, ang suspek sa kasong rape na si Edgardo Pingol na sinasabing nasa tala ng pulisya bilang ika-11 most wanted ay naaresto naman sa Brgy. Sta.Monica sa bayan ng Hagonoy matapos magpalabas ng warrant of arrest si Judge Rolando Bulan ng Malolos City Regional Trial Court Branch 77. Boy Cruz

4 holdaper nadakma

RIZAL, Philippines – Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang   miyembro ng Sputnik Gang ang nadakma ng pulisya makaraang mangholdap sa pampasaherong jeepney, kahapon ng madaling-araw sa Sumulong Avenue, Sitio Gulod Bayabas sa Brgy. Bagumbayan, Teresa, Rizal. Pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Brian Bron ng Sitio Tubigan, Antipolo City at lider ng grupo; Rowel dela Cruz, 25, ng Bagong Purok, San Jose, An­tipolo City; Jay-Ar Nobleza, 18, ng Villa Ynares, Cogeo; at isang 17-anyos na itinago sa pangalang Jason. Naaresto ang mga suspek sa follow-up operation ng pulisya matapos magreklamo ang mga biktimang sakay ng jeepney (DWX 925) patungong Tanay, Rizal. Narekober naman ng pulisya ang mga alahas, pera at personal na gamit ng mga biktima. Danilo Garcia

Show comments