Shabu tiangge nalansag

MANILA, Philippines - Nalansag ng pulisya ang mga pinaghihinalaang shabu tiangge na nagresulta sa pagkakaaresto ng 20 katao sa isina­gawang anti-drug operation sa magkakahiwalay na insidente sa Laguna kama­ kalawa.

Pinangunahan mismo ni Police CALABARZON Regional Director Chief Supt. Perfecto Palad, Task Group Commander ang isinagawang raid ng CALABARZON Regional Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group.

Sinabi ni Palad na una nilang sinalakay ang shabu tiangge sa bayan ng Pagsanjan at sumunod naman sa San Pablo City.

May 10 drug den ang sinalakay sa Brgy. Biñan, Pagsanjan na nagresulta sa pagkakadakip sa 12 katao.

Sa isa pang operasyon, sinalakay rin ng mga awtoridad ang drug den sa Brgy. San Juan, San Pablo City ng lalawigan. (Joy Cantos)

Show comments