Guro kinatay ng lover

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 37-anyos na guro ma­karaang tadtarin ng saksak ng patalim kama­kalawa ng hapon sa loob ng cottage sa Dinos Beach Resort sa Barangay Cari­caran, Bacon District, Sor­sogon City.

Animo’y kinatay na baboy ang katawan ni Roy Labayandoy ng Barangay Buhatan, Sorsogon East District.

Samantala, sa follow-up operation ng pulisya ay naaresto ang suspek na si Ronnie Gonzales Jr.,19, ng Barangay Macabog, Sor­sogon City.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, nag-check-in ang mag-lover sa na­banggit na beach resort na may cottage dakong ala-una ng hapon, subalit ilang oras pa lamang ang naka­lipas ay lumabas na nag-iisa ang suspek.

Nang dumating ang tak­dang oras para mag-check-out ay kinatok ito ng ilang roomboy subalit walang sumasagot kaya naisipang buksan.

Bumungad ang dugu­ang katawan ng biktima na nakahiga sa kama. Kaya kaagad na ipinagbigay-alam sa pulisya hanggang sa masakote ang suspek.

Sinisilip ng mga imbes­tigador ang anggulong selos o pakikipaghiwalay ng suspek sa biktima ang isa sa motibo ng krimen.

Show comments