3 estudyante nilamon ng ilog

KIDAPAWAN CITY – Nauwi sa trahedya ang sana ay masayang pag­sasalo ng magka-kaklase makaraang malunod ang tatlong estudyante sa ilog sa hangganan ng bayan ng Makilala at Kidapawan City sa North Cotabato kama­kalawa.

Kabilang sa mga bikti­mang nasawi ay sina Ja­nely Antipuesto, Precious Taeza ay natagpuang na­kalutang sa ilog na sakop ng Brgy. Libertad habang ang bangkay ni Cristan May dela Cruz, 15, ay na­tagpuan sa bisinidad ng Brgy. Kalunasan sa bayan ng M’lang.

Nabatid na ang tatlo ay 3rd year high school sa Saint Mary’s Academy.

Sa pahayag ni Marlon Ceballos ng 505 Search and Rescue Team ng Ki­dapawan City, magka­sa­mang naligo sa ilog sa may Landmark ang siyam na mag-aaral ng SMAK para ipagdiwang ang unang ani­bersaryo ng kanilang pa­giging magkaibigan nang maganap ang trahedya.  

Napag-alamang ‘di-namalayan ng mga biktima na tumaas ang tubig sa ilog dahil sa patuloy na buhos ng ulan.

Isa sa mga estudyante ang nagbabala sa mga biktima na umahon na dahil sa tumataas ang tubig subalit nagpatuloy sa pag­langoy hanggang sa ta­ngayin sila ng malakas na agos ng ilog. (Malu Mnar)

Show comments