Trader nakalunok ng pustiso, malubha

DINALUPIHAN, Bataan – Isang negosyante ang nasa bingit ngayon ng ka­matayan  matapos na ma­kalunok ng pustiso habang kumakain ng balut noong ika-pito ng Nob­yembre, taong kasalukuyan, sa Ba­rangay Kataasan Di­na­lu­pihan, Bataan.

Dalawang araw nang hindi kumakain at umiinom ng tubig ang biktima na nasa Isaac Catalina Medical Center sa Balanga  City at naki­lalang si Joselito dela Fuente, 44, may-asawa, gumagawa ng mga trophy sa nasabing barangay.

Dumulog sa tanggapan ng Bataan Press Club ang gi­nang ng bik­tima na si Erlinda, 44 at ipi­nahayag ang kan­yang rek­lamo kung bakit hindi agad ipinagtapat ng mga doktor ng naturang ospital na hindi nila kayang ope­rahan ang biktima sa unang araw pa lamang. Hindi sana nangako ang doktor sa asawa ng biktima na tu­mingin dito na sa loob la­mang ng isang araw ay ka­kain na ito.

Ayon kay Erlinda, ipina­lilipat na sa Philippine General Hospital  ngayon uma­no ng mga doktor  ang bik­tima dahil nga ayon sa pa­hayag ng isang doktor na ayaw ipa­banggit ang pa­ngalan, hindi kayang gamu­tin ang biktima sa naturang ospital sa  da­hi­lang kulang sila ng equipment.

Ang ipinagmamaktol at ikinagagalit lamang ng mga kamag-anakan ng biktima ay kung bakit hindi sila agad ti­napat ng mga doktor. Sana, hindi sila nagka­gastos sa ospital ng hala­gang P40,000 sa loob lamang ng dalawang gabi at tatlong araw.

Matatandaan noong alas 4:00 ng hapon, habang ku­ma­kain ng balut ang biktima at habang nginunguya niya ang puti ng balut ay hindi nito namalayan na sa kanyang paglunok ay sumama ang apat na ngipin na pustiso na bumara sa kanyang lalamu­nan na naging dahilan ng kanyang pagka-ospital.

Show comments