Municipal councilor itinumba

CAMP CRAME — Pi­na­niniwalaang paghihi­ganti ang isa sa motibo kaya tinambangan at na­patay ang isang municipal councilor ng mga maska­radong kalalakihan sa binisidad ng Bucay-Penu­rabia Road sa Sitio Dis­pensary, Barangay Sib­long sa bayan ng Bucay, Abra kamakalawa. Na­kilala ang napaslang na si Juanito Zales,  habang su­gatan naman ang kasa­ma­han nitong si Rex Bringas. Sa ulat na naka­rating kahapon sa Camp Crame, naitala ang pana­nambang da­kong alas-9:30 ng umaga sa na­banggit na highway.

Na­pag-alamang naka­sakay ng itim na Isuzu pick-up van ang dalawa nang harangin at ratratin ng mga naka-bonnet na gun­men. Sa inisyal na pagsi­siyasat ng pulisya, base sa mga na­kalap na impor­masyon, lumalabas na paghihiganti ang isa sa motibo ng krimen dahil na­haharap sa mga kasong murder si Zales kaugnay sa pag­patay kina Flori­anne Bernardez, acting clerk of court ng Re­gional Trial Court Branch 58; Eduardo Gon­zales, chair­man ng Ba­rangay. La­guyan; at Eddie Tadeo, chairman ng Brgy. Pagala, ng na­bang­git na bayan. Nagsa­sa­gawa pa ngayon ng dag­dag na follow-up ope­ra­tion ang pulisya para matukoy ang pinaka-utak. Danilo Garcia

Show comments