CAMP AGUINALDO — Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang dalawang kalalakihan kabilang na ang isang municipal treasurer sa naganap na magkahiwalay insidente ng kidnapping sa Isabela at Lanao del Sur, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ng pulisya ang dalawang dinukot na sina Mario Calumpit ng Calinauan, Malasin. Sto. Tomas, Isabela; at Manoramas Hadji Hasan, 45, ng Marogong, Lanao del Sur.
Ayon sa ulat, si Calumpit ay dinukot ng mga armadong kalalakihan habang umiihi ang biktima sa labas ng kanilang bahay bandang alas-7 ng gabi na mismong ang kanyang misis na si Magda ang nakasaksi. Kinabukasan ay nakatanggap ng text message si Magda mula sa mga kidnaper na humihingi ng P.5 milyong ransom kapalit ng kalayaan ng kanyang mister.
Samantala, si Hasan naman ay dinukot sa labas ng Phil. National Bank sa kahabaan ng Perez Street sa Marawi City sa Lanao del Sur.
Lumitaw sa pagsisiyasat na isinumite sa Camp Crame, na inabangan si Hasan na lumabas ng banko bago tinutukan ng baril at isinakay sa kotseng may plakang TSB-191 na pag-aari naman ng isang Mangurun Sultan, alyas Manner ng Marogong, Lanao del Sur. Joy Cantos