Pinangunahan nina P/Sr. Supt. Mark Edison Belarma ng OMB central office, Daet Chief of Police P/ Supt. Enrico Amor at CIDG Chief P/Insp. Lorenzo Trajano ang isinagawang pagkumpiska sa mga tindahang nagbebenta ng mga pirated CDs, DVDs at VCDs sa kahabaan ng Vinzons Avenue, J. Lukban St. at maging sa loob ng Central Plaza Mall sa bayan ng Daet.
Nabatid na halos magkasunod na sinalakay ng OMB ang bayan ng Daet at Labo dahilan sa lantaran at talamak na bentahan ng mga pirated tapes sa halagang P35 bawat isa na labis na inirereklamo ng mga lehitimong nagbebenta ng mga original na VCD, DVD at CD tapes.
Sa kasalukuyan ang mga nakumpiskang libu libong pirated tapes ay nasa pangangalaga ngayon ng CIDG-Camarines Norte at inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng mga nakumpiska at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Anti-Piracy Law ang mga responsable sa bentahan ng pirated tapes. (Francis Elevado)