Drug pusher nilikida

MARIVELES, Bataan – Binaril at napatay ang isang notoryus na drug pusher ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nakatayo sa bahagi ng Bonifacio Street, Barangay Poblacion sa bayan ng Mariveles, Bataan kahapon. Napuruhan sa noo ang biktimang si Noel Abella y Miranda ng Barangay Balong Anito ng nabanggit na bayan.

Ayon kay PO1 Christian Sambat, bandang alas-11:45 ng umaga nang lapitan ng hindi kilalang lalaki ang suspek saka binaril sa ulo. Napag-alamang palakad na lumayo ang killer na animo’y walang nangyaring krimen. May teorya ang pulisya na onsehan sa bawal na gamot ang isa sa motibo ng krimen. (Jonie Capalaran)

Show comments