Reporter hinaras ng 4 pulis

CAMP CRAME – Isang reporter ng Radio Veritas ang hinaras ng apat na tauhan ng pulis-Hagonoy makaraang tutukan ng baril habang lulan ng kanyang kotse sa bahagi ng Barangay Sto. Niño, Hagonoy, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Rommel Ramos, habang inireklamo naman sa pamunuan ng pulisya ang mga suspek na si SPO1 Luis Calayag; PO3 Colley Capistrano; PO1 Teodoro Martin at Insp. Wilfredo. Posibleng magkaroon ng white wash ang nasabing kaso dahil sa isinagawa ang pagsisiyasat sa mismong himpilan ng pulisya ng Hagonoy kung saan ang mga suspek ay nakatalaga. (Ulat nina Joy Cantos at Efren Alcantara)

Show comments