Technician tinodas ng bayaw

Bataan – Sabog ang mukha ng isang electronic technician ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) makaraang barilin ng kaniyang bayaw na empleyado rin ng nasabing kumpanya sa bayan ng Orani ng lalawigang ito kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay nakilalang si Henry Villarosa, 42 anyos, may-asawa, PLDT electronic technician at residente ng Mc Arthur Highway, Brgy. Parang-Parang, Orani, Bataan habang pakay naman ng manhunt operations ng pulisya ang suspek na si Juan Rodriguez, 48 anyos at isa ring empleyado ng PLDT. Bandang alas-10 ng gabi ng magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng magbayaw sa nasabing lugar na humantong sa pamamaslang ng suspek sa biktima. Lumilitaw naman na alitan sa pamilya ang motibo ng krimen. (Jonie Capalaran)

Show comments