Napuruhan ang biktimang si Gina Duarte matapos na undayan ng tatlong saksak ng suspek na si Melchor Duarte, 45, at kapwa residente ng Purok Maligaya 2, Brgy. Mambugan ng lungsod na ito.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-9:45 ng umaga sa bahay ng mag-asawa.
Kinompronta ng lalaki ang biktima na kararating pa lamang ng kanilang bahay.
Dahil sa mainitang pagtatalo tungkol sa ginawang pagdalaw sa ospital ng biktima sa kalaguyong si Ernesto Salazar ay nagawang saksakin ng lalaki ang sariling misis. Napag-alamang si Salazar ay nabaril na ng suspek dahil sa naaktuhang nakikipaghalikan sa biktima kamakalawa ng gabi.
Matapos na maisagawa ang krimen ay tinangkang tumakas ng suspek, subalit agad ding naaresto ng mga rumespondeng kagawad ng pulisya.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek at inihahanda na ang kaukulang kaso. (Ulat ni Edwin Balasa)