Mag-utol gutay sa granada

CAMP CRAME – Nagutay ang katawan ng mag-utol na paslit makaraang masabugan ng napulot na granada sa bukiring sakop ng Tapaz, Capiz, ayon sa ulat kahapon. Ang mga biktimang residente ng Barangay Malitbog ay nakilalang sina Charity, 11, grade 5, at nakababatang kapatid na si Rafael Parangan, 7-anyos.

Naitala ang insidente dakong alas-9 ng umaga matapos na mapulot ang granada sa bakanteng kubo na pag-aari ni Francisco Libaliba. May teorya ang pulisya na inakala ng dalawa na laruang bolang bakal ang granada kaya pinagpasa-pasahan hanggang sumabog. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments