Mag-asawang pulis sugatan sa ambush

BANGUED, Abra – May posibilidad na may kaugnayan sa politika ang naganap na pananambang ng mga hindi kilalang lalaki laban sa mag-asawang pulis na ikinasugat ng dalawa habang nagmomotorsiklo sa kahabaan ng Ararosip, La Paz, Abra kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang sina SPO1 Elvino Barzuela na nakatalaga sa Camp Crame at asawang si PO1 Saintly Barzuela na naka-assign naman sa himpilan ng pulisya sa Sallapan.

Ayon sa pulisya, si SPO1 Elvino ay tinamaan ng bala ng baril sa paa habang si PO1 Saintly ay tinamaan sa tiyan pero ligtas naman sa tiyak na kamatayan.

Agad naman nalambat ang dalawa sa limang suspek na sina Vincent Guzman at alyas Randy ng Barangay Pang-ot, Lagayan.

Nangamba naman ang kapulisan at lokal na opisyal ng pamahalaan na isailalim sa election hot spots ang Abra dahil sa unit-unting lumulutang ang krimen. (Ulat ni Myds Supnad)

Show comments