Bukod sa napatay na dalawang rebeldeng sina Musaad R. Gumaga at Salani S. Moner ay nasugatan naman si Panaba H. Azis, samantalang sina Gani L. Usodan at Benjamin A. Guro ay nawawala na pinaniniwalaang dinukot ng mga kasamahang rebelde.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, ang grupo ng mga biktimang nasawi ay patungo sa kampo ng 401st Brigade ng Philippine Army (PA) para sumuko nang tambangan ng mga kasamahang rebelde sa pamumuno ni Kumander Alison Babani, alyas Ustadz Babani.
Dahil sa armado rin ang mga susukong rebelde ay nakipagpalitan na rin ng putok na tumagal ng 15 minuto bago tuluyang umatras ang mga tauhan ni Kumander Babani.
Matapos na mapawi ang usok ay nakabulagta ang dalawang rebelde at sugatan naman si Azis habang ang dalawa pa ay nawawala.
May palagay ang militar na natunugan ng mga tauhan ni Kumander Babani na susuko ang kanilang kasamahang rebelde kaya isinagawa ang pananambang. (Ulat ni Joy Cantos)