Sinabi ni Bruce Neave, project manager na ang walong kilometro ng North Luzon Expressway sa San Simon, Pampanga ay normal na bubuksan sa Setyembre.
Ayon pa kay Neave, aabot na sa 15 hanggang 18 porsiyento ang natatapos na sa naturang proyekto at puntiryang matapos ang buong proyekto sa loob ng dalawang buwan depende sa kalagayan ng panahon.
Napag-alaman pa na ang walong linya mula Balintawak, Quezon City hanggang Burol sa Balagtas, Bulacan at ang anim na linya mula Burol sa Sta. Ines sa Guiguinto, Bulacan at ang 84 kilometro patungo sa Mabalacat, Pampanga ay bubuksan sa mga motorista sa Mayo 2004.
Magkakaroon din ng bagong lagusan sa Angeles City, Mexico sa Pampanga at Marilao sa Bulacan, ayon naman kay Jose de Jesus, presidente ng Manila North Tollway Corp. (MNTC). (Ulat ni Ding Cervantes)