Cafgu todas sa kasama

CARRANGLAN, Nueva Ecija – Isang kasapi ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang binaril at napatay ng kanyang kasamahan makaraang tumangging ipahiram ang kanyang flashlight sa senglot na biktima habang nagbabantay sa kampo na sakop ng Barangay Burgos sa bayang ito kamakalawa ng hatinggabi.

Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Leonardo Adsuara, 27, samantala, ang suspek na isinuko ni M/Sgt. Jose Velasco ay nakilalang si Crisanto Palma, 25, may asawa at kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Bandang alas-12:30 ng hatinggabi nang lapitan ng biktima ang suspek para hiramin ang flashlight pero tumanggi ang suspek dahil sa lango na sa alak si Leonardo.

Dito na nairita ang biktima saka kumuha ng itak at hinamon ang suspek hanggang sa magpambuno ang dalawa bago humantong sa pamamaslang. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments