Nakilala ang isa sa namatay na si Cielo Linda Reyes, 24, samantala, hindi naman nakuha ang pangalan ng nakahigang lalaki sa gitna ng kalsada.
Malubhang nasugatan sina Nicolas Palima, 60, drayber ng van (CRM-469); Rodolfo Reyes Sr. 57; Erlinda Reyes, 54, Rodolfo Reyes Jr., 29, Ginalyn Enopia, 13, at Efren Enopia, 11, na pawang residente ng Barangay Nagas, Oas, Albay.
Base sa ulat ng pulisya, naitala ang aksidente bandang alas-8:15 ng gabi makaraang iwasan ng trak (EVE-950) na minamaneho ni Alex Magno ng Daraga, Albay ang lalaking nakahiga sa gitna ng kalsada.
May palagay ang pulisya na patay na ang hindi kilalang lalaki na nakahiga sa kalsada bago pa ito masagasaan ng trak. (Ulat ni Ed Casulla)