Si SPO1 Jeorge Malinao, 47, ng San Francisco Municipal Police Station ng Brgy. Lapinigan ay binistay ng bala ng armalite ng mga suspek na sina Rolando Becero, 38 at Tito Mabras, 24, ng Bayugan II ng naturang bayan at kapwa miyembro ng provincial custodial security force.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, isinagawa ang pananambang bandang ala-una ng madaling-araw at kaagad namang sumuko ang mga suspek ilang oras matapos ang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)