Isa sa dalawang rebelde ay nakilalang si Ka Pitong na kasapi ng Kilusang Sangay ng Partido (KSP-3) na nakasagupa ng militar matapos na salakayin ang pinagkukutaan ng mga rebelde sa nabanggit na barangay.
Sinabi ni Col. Emiliano Gupana, commanding officer ng 31st Infantry Battalion, naiwan ng mga nagsitakas na rebelde bandang alas-11:30 ng umaga ang isang sanggol na himalang hindi tinamaan ng ligaw na bala. (Ulat ni Francis Elevado)