5 magnanakaw tiklo sa checkpoint

ROSALES, Pangasinan — Limang kalalakihan na pinaniniwalaang mga mandurugas ang dinakip ng mga tauhan ni P/Sr. Supt. Rodolfo Mendoza sa isang checkpoint ng nabanggit na lugar.

Ang mga suspek na sakay ng isang van (WRB-605) na may mga lulang nakulimbat na mamahaling gamit-bahay ay nakilalang sina Eduardo Naluz, Rodolfo Nazam, Marcial Encila, Manuelito Estaras at Sonny Aspa na pawang mga residente ng Amsec, Angeles City.

Ayon kay Mendoza, huling nabiktima ng mga suspek ang bahay na pag-aari ni Clifford Orallo ng Tumana West, Rosales, Pangasinan. (Ulat ni Myds Supnad)

Show comments