Kinilala ni P/Insp. Rogelio Galan, hepe ng pulisya sa bayang ito ang mga biktimang sina Eleuterio Herada, Antonio Baranda at magkakapatid na Danilo, Manuel at Salvador Dometia na pawang naninirahan sa nabanggit na barangay.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong ala una ng madaling-araw habang masayang nag-iinuman ng alak ang mga biktima sa labas ng bahay ng magkakapatid na Dometia.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang sumulpot sa dilim ang mga hindi kilalang kalalakihan saka sunud-sunod na nagpaputok na ikinagulat naman ng mga kapitbahay ng magkakapatid.
May teorya ang pulisya na ang magkakapatid na Dometia ang pakay ng killer at nadamay lamang sina Herada at Baranda. (Ulat ni Ed Casulla)