500 Philtranco bus kinansela ang biyahe

Tinatayang aabot sa libu-libong pasahero ang pinangangambahang ma-stranded sa darating na Pasko at Bagong Taon dahil sa paghinto ng operasyon ng pinamalaking bus company na bumibiyahe sa Katimugang bahagi ng bansa at sa Visayas.

Nagpasya ang Philtranco Bus Company na ihinto ang kanilang operasyon matapos ang ginawang panununog ng grupo ng New People’s Army (NPA) sa isang bus nito sa may Catmon, Cebu City dahil sa umano’y pagtanggi na magbayad ng revolutionary tax kamakailan.

Malaking kalugihan sa kumpanya na nagtulak dito para pansamantalang kanselahin ang operasyon.

Tinatayang may 500 bus unit ng Philtranco ang bumibiyahe sa Visayas buhat sa Metro Manila. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments