Kinilala ang mga nadakip na NPA na sina Felicisimo Tizon, Jr., Alyas Ka Junel; Jogen Polacas, alyas Ka Rocky at Martin Craso, alyas Ka Jonrie na pawang may operasyon ng kotong sa nabanggit na lugar.
Dahil sa impormasyong nakalap ng 73rd Infantry Battalion ng Phil. Army, nadakip ang tatlo sa pinagkukutaan nito sa Sitio Awid, Brgy. Malaba dakong alas-6 ng gabi. (Ulat ni Joy Cantos)