Ang biktima na may tama ng saksak sa leeg at apat sa likurang bahagi ay kinilalang si Olydren Soltura, 27, ilang buwan pa lamang graduate sa di-tinukoy na kolehiyo at residente ng Barangay Kalubakis, habang tinutugis naman ngayon ng mga awtoridad ang pangunahing suspek na si Charles Bulalacao, 19, binata, wanted sa kasong theft na nakabinbin sa MCTC ng Polilio, Panukulan at kapitbahay ng biktima.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-8:00 ng umaga ay nagpaalam ang biktima sa kanyang mga magulang upang maglaba ng damit sa sapa na di-kalayuan sa kanilang bahay.
Habang nasa kalakasan ng ulan ay dumating umano ang suspek na hubot hubad saka tinutukan ng patalim ang biktima at isinagawa ang maitim na balak.
Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang isang patalim na ginamit ng suspek sa pagpaslang sa dalaga. (Ulat ni Tony Sandoval)