Habang tatlo ring miyembro ng NPA na pawang nakasakay sa isang motorsiklo ang inaresto ng militar sa nasabi ring lugar sa isang checkpoint.
Sa report na nakarating sa Southern Command kahapon, nakatakas ang dalawa sa mga nahuli habang isinasagawa ang interogasyon sa isang military detachment sa Agusan del Sur.
Agarang nagsagawa ng manhunt operation ang militar subalit bigong nagsibalik ang mga ito kahapon.
Pinaniniwalaang nagtatago sa kasalukuyan ang mga nakatakas na rebelde sa bulubunduking bahagi ng Agusan del Sur. (Ulat ni Rose Tamayo)