Hindi na umabot ng buhay sa Lourdes Hospital ang biktima na si Romeo Ojo, ng Sitio Padugo, Brgy. Napilihan ng bayang ito dahil sa tama ng saksak sa sikmura.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-3:00 ng hapon ay naglalakad ang biktima kasama ang pamilya mula sa pamamasyal ng siya ay biglang sugurin ng supsek na si Cesar Jerez, 30-anyos at residente ng Sitio Pitisan, Brgy. Mangcayo at agad na siya ay sinaksak ng walang sabi-sabi.
Agad namang nahuli ang suspek na ayon sa pulisya ay thrill killer ito dahil sa una na nitong napatay ang kanyang kapatid noong nakalipas na taon. (Ulat ni Francis Elevado)